KASALUKUYANG KALAGAYAN NG PAGTUTURO
NG FILIPINO SA BATAYANG EDUKASYON
Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya sa Batayang
Edukasyon
A. DESKRIPSYON
|
|
MGA LAWAK O KASANAYAN
|
SAKLAW NG MGA LAWAK O KASANAYAN
|
Ang Filipino bilang isang aralin o
asignatura ay lumilinang sa kasanayan
sa PAKIKINIG, PAGSASALITA, PAGBASA, PAGSULAT at PAG-IISIP.
|
Para sa MABISANG PAGTUTURO, ang
mga TIYAK NA KASANAYAN ay nililinang sa pamamagitan ng mga sitwasyon ng
iba’t-ibang kagamitan sa LUBUSANG PAGKATUTO.
|
Bukod sa kasanayan sa PAKIKINIG,
PAGSASALITA, PAGBASA, PAGSULAT, ang FILIPINO bilang isang aralin ay
lumilinang sa kasanayan ng PAG-IISIP.
|
KONSEPTO NG SIBIKA AT KULTURA, ang
NILALAMAN ng Filipino sa una hanggang ikatlong baitang
a. Maaaring gamitin ng Filipino ang
nilalaman ng SK/HKS. Ang pokus ay nasa PAGLILINANG ng mga kasanayan sa
PAKIKIPAGTALASTA-SAN.
b. Inaasahang ang mga BATAYANG
KASANAYAN sa pagbasa ay matutuhan nang lubusan sa tatlong unang baitang.
|
|
|
1.
|
Pagsasaayos ,pagbabawas at
pagpapangkat sa kasanayang magkakatulad upang maiwasan ang pag-uulit-ulit ng
mga ito.
|
2.
|
Pagtuon sa mga tiyak o batayang
kasanayan
|
3.
|
Pagbibigay diin sa PAGBASA at
PAKIKIPAGTALASTASAN para sa pag-unawa sa mga BATYANG KAISIPAN O KONSEPTO SA
MATEMATIKA AT AGHAM.
|
|
MITHIIN
|
Nagagamit ang
Filipino sa MABISANG PAKIKIPAGTALASTASAN (pasalita o pasulat) , nagpapamalas
ng kahusayan sa pagsasaayos ng iba’t-ibang
impormasyon at mensaheng narinig at nabasa para sa KAPAKINABANGANG PANSARILI
at PANGKAPWA at sa patuloy na pagkatuto upang makaangkop sa mabilis na
pagbabagong nagaganap sa daigdig.
|
|
|||
PAGBABAGO
|
|||
BAITANG
|
NESC
|
RBEC
|
PAGBABAGO
|
I-III
|
60
|
80
|
Dagdag na 20 minuto
|
IV-VI
|
60
|
60
|
Walang dagdag
|
PAGBABAGO
|
|||
1. Para sa Baitang I-III, ang pang araw-araw na pagkakabahagi ng oras
ay 80 minuto samantalang sa Baitang IV-VI ang nakabahagi ay 60 minuto
|
|||
2. May dagdag na 20 minuto sa Baitang I-III. Mula 60 minuto na naging
80 minuto. Walang dagdag sa Baitang IV-VI.
|
|||
3. Katulad ng sa ENGLISH, WALANG PAGTAAS NG BILANG NG MINUTO SA
BAITANG IV-VI sa pagsasaalang-alang na ang BATAYANG KASANAYAN sa pag-aaral ay natutuhan na sa unang
tatlong baitang..
|
|
||||||
1.
|
PAMAMARAANG
PAGSASANIB (INTEGRATIVE METHOD
Integrasyon o pagsasanib ng mga
kasanayan/Lawak sa Filipino (Skills –Based Integration)
|
|||||
HULWARAN 1
|
||||||
May pagkakataon
na maaaring maituro o mapag-ugnay ang limang kasanayan sa isang aralin, kung
saan sama-sama o sabayang nalilinang ang limang kasanayan sa mga mag-aaral.
|
||||||
Ang
paglilinang na gawain ay PAKIKINIG tungo sa PAGSULAT sa paglinang ng mga
kasanayan sa PAKIKINIG, PAGSASALITA, PAGSULAT AT PAG-IISIP.
|
||||||
Isaalang
–alang sa paglinang ng mga kasanayan ang ANTAS ng MASTERI O LUBUSANG
PAGKATUTO.
|
||||||
HULWARAN 2
|
||||||
Sa pagsasanib
ng mga kasanayan o lawak, hindi dapat na malinang ang lahat ang lawak o
kasanayan nang sabay-sabay.
|
||||||
2. PAGSASANIB NG TIYAK NA
KASANAYAN SA FILIPINO SA NILALAMAN O
KONSEPTO NG IBANG ASIGNATURA (CONTENT-BASED INTEGRATION
|
||||||
TANDAAN
|
||||||
a.)
|
SA BAITANG I-III
|
|||||
Sibika at
Kultura (SK) ang nilalaman ng Filipino Paglinang sa kasanayan sa Pakikipagtalastasan
ang pokus.
|
||||||
b.)
|
TEKSTO/BABASAHIN/PAKSANG
ARALIN NG SK AT PAGPAPAHALAGA O EKAWP GINAGAMIT NA MGA KAGAMITANG
PANLITERATURA (
|
|||||
Ito’y nagiging LUNSARAN/SPRING
BOARD sa paglinang ng mga kasanayan sa
Filipino.
|
||||||
Ang gagamiting LUNSARAN ng
ARALIN ay isang kwento. Ang PAKSA o
NILALAMAN ng kwento ay nauukol sa SK
at EKAWP , sa ganitong sitwasyon nalilinang hindi lamang kaalaman sa
SK ngunit lalo’t higit ang mga KASANAYAN sa FILIPINO.
|
||||||
c.)
|
BIGYANG
DIIN ANG GANITONG PAGSASANIB SA ORAS NG TALAKAYAN SA NILALAMAN NG MGA TEKSTO
O KAGAMITANG PANLITERATURA NA GINAGAMIT NA LUNSARAN NG PAGLINANG NG KASANAYAN
|
|||||
3.
|
INTERAKTIBONG PAGDULOG (INTERACTIVE
APPROACH)
|
|||||
GURO
|
BATA
|
BATA
|
K-PANG
|
|||
|
1
|
2
|
PAGTUTURO
|
|||
a.)
|
Mahalaga para
sa isang makabuluhan o makahulugang interaksyon (meaningful interaction)
|
|||||
b.)
|
Isang gawaing sama-sama
(collaborative activity)
|
|||||
c.)
|
Pagkakaroon
ng komunikasyon o pakikipagtalastasan
|
|||||
|
1.)
|
Pagpaphayag
ng sariling ideya
|
||||
|
2.)
|
Pag-unawa sa
ideya ng iba
|
||||
|
3.)
|
Nakikinig sa
iba
|
||||
|
4.)
|
Bumubuo ng
kahulugan sa isang bigayang konteksto (shared context)
|
||||
Ang Pagtuturo ng Filipino sa Sekundarya sa Batayang
Edukasyon
MGA PANGUNAHING MITHIIN SA PAGTUTURO NG
FILIPINO SA SEKUNDARYA SA BATAYANG EDUKASYON
|
|
1.
|
Ang makadebelop ng isang
gradweyt na mabisang komyunikeytor sa Filipino, kinakailangang taglay niya
angm mga kasanayang makro: ang pagbasa, pagsulat, pagsasalita, pakikinig at
pag-iisip.
|
2.
|
Ang makadevelop ng isang
mahusay o sanay sa komunikatibong pakikipagtalastasan , nararapat na may
kabatiran at kasanayan siya sa apat na komponent ng kasanayang komunikatib
tulad ng diskorsal, gramatika, sosyo-linggwistik at istratedyik.
|
Sa Unang Dalawang Taon
|
Ang binibigyan ng pokus ang
masusing pag aanalisa at pag aaral ng mga tiyak na istrukturang gramatikal ng
Filipino bilang isang kasabay ng pagtatamo ng
wastong kasanayan sa maunawang pagbasa. Upang matamo ang mga ito, pinagsanib
ang mga interdisiplinaring paksa at ang makabagong nakapaloob sa iba’t-ibang
uri ng teksto tulad ng mga tekstong prosidyural, reperensyal, journalistic,
literasi at politico-ekonomik at ang pagkatuto ng iba’t –ibang istrukturang
gramatikal.
|
Sa Huling Dalawang Taon
|
Ang pokus ay ang pagtatamo ng
mapanuring pag-iisip sa pamamagitan ng kritikal na pagbasa at pag-unawa sa
iba’t-ibang genre ng panitikan na nakasalin sa Filipino.
|
Sa Bawat Taon
|
Binibigyan ng tiyak na atensyon sa
paglinang sa pasulat na komunikasyon sa pamamagitan ng eksposyur sa
iba’t-ibang uri ng komposisyon at malikhaing pagsulat. Ito ay pinagtutuunan
ang isang liggong leksyon sa bawat markahan.
|
Sa Apat na Taon
|
Binibigyan ng pansin ang
pag-aaral ng Filipino ay ang pagtatamo ng kasanayan sa akademikong wika.
|
Mga Akdang Pampanitikan na Binibigyan ng
Pansin sa bawat Taon
|
|||
Unang Taon
|
Ikalawang Taon
|
Ikatlong Taon
|
Ikaapat na Taon
|
Ibong Adarna
|
Florante at Laura
|
Noli Me Tangere
|
El Filibusterismo
|
Ang Thematic
Curriculum
Ang Thematic
Curriculum ay isang set ng mga organisadong karanasan sa pagkatuto
|
Ang mga Benepisyong Matatamo sa Paggamit
ng Thematic Curriculum
|
|
1.
|
Oportunidad na matutuhan sa
pamamagitan ng higit na kontekstwalisadong mga karanasan sa pagkatuto.
|
2.
|
Eksposyur sa mga lingkedyes sa
pagitan ng pagkatutong ibinase sa paaralan at pagkatutong nagaganap sa lugar
ng paggawa at komunidad.
|
3.
|
Oportunidad na mailantad ang
malawakang mga karanasan awtentik.
|
4.
|
Malalim na eksposyur sa
kinagigiliwang Gawain.
|
5.
|
Oportunidad na masuri ang
malawakang pagkakaloob ng hanapbuhay.
|
6.
|
Higit na malawak na potensyal
sa paghahanda ng higit na mataas na edukasyon at paghahanapbuhay.
|
7.
|
Kakayahang makilala ang mga
naiiba at di-pangkariniwang interes
|
Ang mga Benepisyong Matatamo Para sa mga
Edukador
|
|
1.
|
Oportunidad para sa mga guro na
magsama-sama silang mga miyembro ng grupo ng mga propesyunal na may mga
estratehiya sa pagkatuto.
|
2.
|
Oportunidad para sa mga gurong
tagapamatnubay nama’y mga positibong
impak sa mga mag-aaral.
|
3.
|
Oportunidad para sa mga
administrador na magpakita ng pamumuno sa pagsasaayos ng paaralan at
pagtulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mga matagumpay na karanasan sa
paaralan.
|
Ang mga Pangunahing Salik sa Lahat ng
Aspeto ng Thematic Curriculum
|
|
1.
|
Ang Thematic Curriculum ay
maaaring maipatupad sa maraming paraan
|
2.
|
Ang Thematic Curriculum ay
maaaring maisanib sa ibang mga reporma
|
3.
|
Ang Thematic Curriculum ay
nakalaan para sa paaralang sekundarya ,bagamat maaari ring maging
kapakipakinabang sa paaralang elementarya.
|
4.
|
Ang Thematic Curriculum ay
magsisilbing tulay upang mapagsama angmga karanasan sa pagkatuto na ibinatay
sa paaralan at paggawa.
|
5.
|
Ang mga hadlang sa lugar ng
paggawa
|
Ang mga
Pangunahing Pagdulog sa Pagtuturo ng Filipino sa Antas ng Elemenytarya
Lapit/Pagdulog
|
Tradisyunal
|
Istruktural
|
Komunikatib
|
Whole Language
|
Teorya/Prinsipyo
|
Isang organismo nasusulat,
kumbensyunal ang wika pagkilala at pagbuo
|
Sistemang pasalita,
arbitraryo at pang –
komunikasyon ang
wika, mekanikal ang
pagkatuto at huhubog
sa mga kaugalian (habits)
|
Isang pormal na sis-
tema ang wika at may mga gamit
ding functional para
sa mga komunikati-
bong pangangaila-
ngan
|
Isang prosesong Glo-
bal at nakabase sa
wika (language-based
) ang pagkatuto kaya
nasa mga integradong
kasanayan ang oryen-
tasyon. Mapag-aralan
ang wika bilang tugo
n sa espisipikong pa-
ngangailangan.
|
Mga Layunin
|
Pagkilala at pagbuo ng mga
bahagi ng pananalita, was-
tong gamit ng salita
Magkahiwalay na pagsasa-
nay sa pagbuo ng mga ba-
hagi ng pananalita
|
Pagtatamo ng mga
kasanayan pang-ling-
gwistik (pagbuo ng mga ponema,
morpe-
ma at pangungusap
Patterns, substitution
Drills, mimicry,tag-
memics (pokus sa anyo ng wika)
magkahiwalay na
pagtuturo ng wika at
pagbasa
|
Pagtatamo ng kasa-
nayan
-linggwistik
-sosyo-linggwistik
-pang-diskors
-pang-estratehiya
Cooperative/interact-
tive learning (dyadic
exchange, group wo-
rk information gap,
task-oriented)
interaktibong pag-
aaral ng wika at
pagbasa
|
Pagtatamo ng literasi
na nangangahulugan
ng magkasanib na
paggamit ng mga ka-
sanayang pangwika
sa iba’t-ibang gamit
(akademik , komuni-
kasyon)
Cooperative/interacti-
ve learning,problem
solving , peer coach-
ing student empower-
ment
interaktibong pag-
aaral ng wika at
pagbasa/panitikan
|
IBA’T-IBANG MODELO
Ang Modelong Batay sa Tema o Paksa ng
Pag-aaral (Theme o Topic CourseModel)
|
|
Wika
Agham
Matematika
Agham Panlipunan
Iba pang saklaw ng nilalaman
Ang Modelong Magkakahiwalay (Sheltered
Courses Model)
|
Ang Modelong Magkasanib (The Adjunct
Model)
|
Ang Pagdulog sa Pagtuturong Batay sa
Nilalaman (Content –Based Instruction o CBI)
|
Binibigyang kahulugan nina
Brinton , Snow at Iverche (1989) Ang pagtuturong Batay sa Nilalaman bilang
integrasyon ng pagkatuto sa nilalaman at sa mga layunin sa pagtuturo ng wika.
Ito’y tumutukoy sa kasalukuyang pag-aaral ng paksa at paksang aralin , nang
may porma at pagkakasunud-sunod ng presentasyong taglay ng nilalaman ng
teksto. Naka-pokus ito hindi lamang sa pagkatuto, kundi sa wikang gamit bilang
midyum ng pagkatuto ng matematika, agham panlipunan, at iba pang mga
asignaturang pang-akademiko.
|
Ang Cognitive Academic Learning Approach (CALA)
|
|
MGA ESTRATEHIYA
|
|
1.
|
Ang estratehiyang metakognitib.
Ito’y tumutukoy sa pagkakaroon ng kamalayan, kaalaman at kasanayan sa
pagkontrol sa sariling proseso ng pag-iisip o pag-unawa (Royo,1992). Ito’y
pagpaplano para sa pagkatuto, pagmomonitor at produksyon, sa pagtataya kung
paano natamo ang layunin sa pagkatuto.
|
2.
|
Ang estratehiyang kognitib.
Ito’y interaksyong may kasamang materyal (pagpapangkat-pangkat, pagtatala,
pagbubuod) o paggawa ng imaheng mental, pagbabahagi ng bagong impormasyon sa
dati nang natutuhang mga konsepto o mga kasanayan. Ito’y estratehiyang
gingamit ng mga manmbabasa sa pagkatuto ng mga akademikong disiplina.
|
3.
|
Ang Estratehiyang
sosyo-apektib. Ito’y interaksyon sa iba pa upang makatulong sa kanyang
pagkatuto.
|
PARAAN/TEKNIK
|
|
Pagkatutong Tulung-tulong (Cooperative Learning)
|
|
Ito’y isang paraan/teknik sa
pagtuturo at kabilang sa mga pilosopiya ng edukasyon na humihikayat sa mga
mag-aaral na gumawa nang sama-sama bilang isang pangkat upang matutuhan ang
aralin. Natutuhan ng pangkat ang isang partikular na konsepto o nilalaman
kung saan inaasahan ang pakikibahagi ng bawat isang miyembro sa
diskusyon/usapan.
|
|
Ang Apat na mga kasanayan sa Pagkatutong
tulung-tulong na nilahad nina Johnson at Johnson (1986):
|
|
1.
|
Pagbuo ng pangkat
|
2.
|
Paggawa bilang isang pangkat
|
3.
|
Paglutas ng suliranin bilang
isang pangkat
|
4.
|
Pagbuo ng magkakaibang ideya.
|
Mga Kasanayan sa Pagbuo ng Pangkat
|
|
|
Mga Kasanayan sa Paglutas ng Problema
|
|
1.
Pagbuo ng suliranin
2.
brainstorming
3.
paglinaw ng mga ideya
4.
pagsang-ayon sa mga ideya
5.
pagpapalawak ng mga ideya
6.
pagtingin sa maaaring maganap
7.
pagpuna sa mga ideya
8.
pagbuo ng impormasyon
9.
paghanap ng solusyon
Ang Mga Estratehiya sa Pagkatutong Tulung
-Tulong
|
No comments:
Post a Comment