Friday, March 21, 2014

PAGTATAYA SA ESP

PAGTATAYA SA ESP
Session Guide sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
 Para sa Implementasyon ng K to 12 Para sa Ikalawang Baitang

Pamagat  ng Sesyon:  Pagtataya na maaring gamitin sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) na magiging gabay sa paghubog ng bawat mag-aaral sa pagpapasya at pagkilos  ng  tama para sa kabutihan ng lahat.

Layunin:  
1.    Nasasabi ang kahulugan at kahalagahan ng pagtataya sa mga natutunan ng mga mag-aaral sa asignaturang EsP
2.    Natutukoy ang  iba’t ibang uri ng  pagtataya na maaring gamitin sa EsP
3.    Nakagagawa ng iba’t ibang halimbawa ng pagtataya base sa nabunot/napiling layunin buhat/mula sa kurikulum ng EsP

Nakalaang Oras     :  1 oras
Mga Kagamitan     :   metacards, flashcards, pentel pens, Manila paper, masking tape,
                                    cartolina, crayola, glue

Panimula:         
Ang Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) ay isang napakahalagang aralin o asignatura na dapat maibahagi nang buong husay sa mga mag-aaral.  Ito ay paghuhubog ng maganda at kaaya-ayang pag-uugali na dapat maisapuso at magampanan nang tama ng bawat mag-aaral.  Sa layuning ito, napakahalaga na dapat matutunan ng isang guro ang iba’t ibang pagtataya sa EsP.
Ang mga pagsasanay na gagawin at matututuhan ay magiging gabay ng bawat guro kung paano maisagawa ang mga pagtataya sa EsP.  Ito rin ay magiging gabay at batayan ng bawat guro kung naisapuso at naisagawa ang mga natutuhan.
A. Mga Gawain
Ipagagawa ng Tagapagsanay.
  1. Hatiin ang grupo sa lima o higit pang pangkat.  Pumili ng lider at taga-ulat.
  2. Tawagin ang lahat ng lider upang bumunot ng numero ng kanilang gawain.
  3. Bigyan ng panahon o takdang oras para sa gawain.
  4. Ipakita ang nabuong gawain ng bawat grupo.
  5. Magsagawa nang isang malalim na talakayan pagkatapos magpamalas ng grupo.


Gawain 1:  Pagiging Magalang

Iginagalang mo ba ang iyong mga magulang, mga nakatatanda, mga opisyales sa paaralan at pamahalaan, publiko man o pribado? Ano ang pakiramdam mo kung ito ay ginagawa mo?


Layunin:
·    naisasagawa ang anumang kilos at pananalita na may  paggalang 

Panuto: Lagyan ng tsek ang masayang mukha na nagpapakita ng paggalang at ekis naman sa malungkot na mukha kung hindi nagpapakita ng paggalang.
                    
  1.  May nakasalubong na guro si Maria.  Binati niya ito ng “Magandang umaga po.”
 


                                       
                                                  
  1. Biglang tumawid ang isang babae at muntik na siyang masagasaan. Tumakbo ka at bigla mo siyang sinigawan.


     


  1. Habang pinapangaralan ng tatay ang kanyang anak, ang anak ay hindi nakikinig at tuloy-tuloy na nakikipaglaro sa kanyang bunsong kapatid.





  1. Nagmamano ang bata sa kanyang tatay at nanay tuwing darating glling sa paaralan.





  1. Nangangatwiran at sumasagot ang bata  sa kanyang galit na galit na magulang.


                              



Pag-usapan ang sagot sa sumusunod na katanungan sa inyong grupo.  

  1.  Alin sa limang mga tanong ang nagpapakita ng paggalang? Sabihin ang salita o mga salita na nagpapakita ng paggalang.  Dapat ba itong matutunan at isabuhay?

  1. Alin naman sa mga tanong ang di nagpapakita ng paggalang?  Paano natin masasabi na walang paggalang ang naganap. Paano natin ito gagawin nang may paggalang.


Gawain 2:

Lagyan ng tsek (ü) ang hanay kung gaano mo kadalas ginagawa ang mga  sitwasyon  na nasa tsart. Gamitin ang sumusunod na pamantayan.
3 – Madalas
2 - Paminsan-minsan
1 - Hindi
Mga Sitwasyon
3
2
1
  1.  Binabati ko ng “Magandang umaga po.” ang lahat ng gurong nakakasalubong tuwing umaga.



2.   Naglalakad ako nang hindi pinapaingay ang sapatos o tsinelas kahit saan.  



  1. Nakikinig ako sa aking ate o kuya kapag ako ay pinagsasabihan.




  1. Nagmamano ako sa aking ama at ina tuwing ako ay darating mula sa paaralan.




5.    Hindi ako nag-iingay kapag alam kong nagpapahinga ang aking mga magulang.   



















Gawain 3

        Ano kaya ang sinasabi ng bawat isa. May paggalang ba o wala? Lagyan ng diyalogo ang nakikitang dalawang bilog






Ilagay ang inyong batang sarili sa mga sitwasyon. Pag-usapan sa inyong grupo ang kasagutan sa sumusunod na tanong.
·         Ano ang iyong gagawin kung ikaw ang batang nasa larawan? Isulat ang iyong sagot sa inyong kuwaderno.
·         Ano ang dapat mong gawin sa mga aklat na nakakalat sa sahig?
·         Dapat mo bang iutos ang pagliligpit ng iyong mga gamit? Bakit?
·         Dapat bang ilagay lang sa isang sulok ang mga aklat na niligpit? Bakit?
·         Sa palagay mo, dapat bang iasa sa magulang ang pagliligpit ng inyong gamit?
·         Ano ang dapat mong gawin kapag ikaw ay napagsasabihan ng iyong ina sa pag-aayos ng iyong mga aklat o gamit?
Gawain 4

Gumawa ng isang tula na nagsasaad na nagpapakita ng paggalang.

Gumawa ng tsart katulad ng nasa ibaba sa inyong kuwaderno. Isulat ang mga gawang may paggalang na narinig o nabasa sa tulang inyong ginawa.   Iguhit ang masayang mukha J o malungkot na mukha L sa hanay kung gaano ninyo ito ginagawa.

Gawaing Paggalang
Hindi
Minsan
Madalas
Lagi
1.




2.




3.




4.




5.






Gawain 5

Gumawa ng isang dula na nagpapakita ng paggalang at di paggalang.

Ano ang iyong naramdaman habang nagsasanay kayo ng inyong dula? Ano ang masasabi ninyo kung ang isang bata ay marunong gumalang? At kung ang isang bata ay hindi marunong gumalang? Dugtungan ang bawat diyalogo ayon sa iyong nararamdaman.
Ang batang magalang ay dapat  tularan dahil  sa mga sumusunod: ______________________
__________________________________________   __________________________________________.
Ang batang di marunong gumalang ay di dapat tularan dahil sa mga sumusunod:  _________________________
_________________________________________________.  _














Gawain 6:
        Isang pagdedebate. Ang paggalang ba ay dapat ituro sa paaralan o responsibilidad ng magulang.

Isulat sa sagutang papel kung Tama o Mali ang isinasaad ng pangungusap.

1.  Ang paggalang ay itinuturo sa paaralan.
2.  Ang pagiging magalang ay tinuturo rin ng magulang.
3.  Ang tatay at nanay lang ang dapat kong igalang.
4.  Dina uso ang pagsagot ng po at opo.  
5.  Kagalanggalang ang mga bata at matatanda na sumasagot nang pasigaw.

B.   Pagsusuri

Itanong ang sumusunod:

  1. Ano ang naramdaman ninyo sa mga isinagawang gawain?
  2. Ano ang napansin ninyo sa inyong mga kasamahan habang ginagawa ang mga gawain?
  3. Anong pagtataya ang ipinakita o ginamit sa
a.    unang gawain?
b.    ikalawang gawain?
c.    ikatlong gawain?
d.    ikaapat na gawain?
e.    ikalimang gawain?
f.     ikaanim na gawain?
  1. Ano-anong pagtataya ang mga ipinakita at maari pang gamitin sa asignaturang EsP upang maunawaan at malinang ang layunin na itinakda?
  2. Sa inyong palagay, bilang  isang tagapagsanay o pinuno, bakit kailangang malaman ang mga pagtataya na maaring gamitin sa EsP?
  3. Sa lahat ng mga gawaing nagawa, ano kaya ang pinakamainam na pagtataya sa EsP?
  4. Sa inyong palagay, sino pa ang pwedeng magsabuhay ng mga pagtatayang nabanggit?
  5. Ipasagot ang mga sumusunod sa Journal ng mga kalahok sa pagsasanay.
                           ·            Bilang isang tagapagsanay, ano ang natuklasan ninyo sa inyong sarli?

                           ·            Ano ang higit ninyong natutunan sa pagkakataong ito?
                           ·            Sa inyong palagay, handa na ba kayong tumulong na maisakatuparan ang ating mithiin na makabuo ng mga mag-aaral na nakapagpapasya at nakakakilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat?
                           ·            Inaanyayahan ang ilang kalahok na magbahagi ng kanilang isinulat.

C.   Paghahalaw:
Pag-usapan ang sumusunod:
a.    Ang pagtataya sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP).

b.    Iba’t ibang uri ng pagtataya na maaring gamitin ng isang guro sa asignaturang EsP.

c.    Mga halimbawa ng pagtataya na maaring gamitin sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP).


Paglalapat:
            Gumawa o lumikha ng ilang uri ng pagtataya batay sa napiling layunin.

           
Mga Sanggunian
Gabay sa Kurikulum ng Edukasyon sa Pagpapakatao, DepEd
DepEd Orner No. 73 s. 2012 dated September 5, 2012 “Guidelines on the Assessment and Rating of Learning Outcomes Under the K to 12 Basic Education Curriculum
https://www.google.com.ph/search?q=Pagsusulit%20ng%20Kaalaman%20sa%20Edukasyon%20sa%20Pagpapakatao

http://www.rubrics4teachers.com/

No comments:

Post a Comment