Friday, March 21, 2014

Banghay-Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao

SESYONG PATNUBAY 1:       Balangkas Konseptwal para sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP), at Paggamit ng Gabay sa Kurikulum

Mga Layunin:

Sa pagtatapos ng pagsasanay, ang mga kalahok ay inaasahang:

1.     Naipakikita ang pag-unawa sa Balangkas Konseptwal ng Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) sa  K to 12 Basic Education Program, na binubuo ng:
1.1. Tunguhin
1.2. Mga Proseso
1.3. Apat na Tema
1.4. Pitong Pangunahing Pagpapahalaga (Core Values)
1.5.     Mga Teorya na Batayan ng mga Pamamaraan sa Pagtuturo at Pagkatuto
1.6.     Ang Pilosopiya ng EsP

2.     Naipamamalas ang pagkaunawa at pagkatuto sa tamang paggamit ng Gabay sa Kurikulum  


Mga Kagamitan:               puting papel, puzzle ng Balangkas Konseptwal para sa EsP, manila papers, masking tape, Gabay sa Kurikulum para sa ikalawang baitang


Target na  Gagamit:          pangkat ng tagapagsanay sa rehiyon at dibisyon  para  sa pagsasanay ng mga guro sa Ikalawang Baitang 


Nakalaang Oras:              1 oras
                  

Panimula:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) ay isang mahalagang aralin na naglalayong linangin at paunlarin ang pagkataong etikal ng mag-aaral.  Nilalayon din nito na gabayan ang mag-aaral na mahanap/matagpuan ang kabuluhan ng kanyang buhay at ang papel niya sa lipunang Pilipino upang makibahagi siya sa pagtatayo ng pamayanang pinaiiral ang katotohanan, kalayaan, katarungan at pagmamahal.

Upang maipamalas ito, kailangang taglay niya ang limang pangunahing kakayahan:  pag-unawa, pagninilay, pagsangguni, pagpapasya at pagkilos.  Ang mga pangunahing kakayahang ito ay makikita sa mga prosesong alamin/isaisip, isagawa, isapuso, isabuhay at subukin, na inaasahang matutuhan ng mga mag-aaral sa simula sa murang edad.

Ang mga pangunahing kakayahang ito ay nililinang sa apat na tema:  1) Pananagutang Pansarili at Pagiging Kasapi ng Pamilya, 2) Pakikipagkapwa-tao, 3) Pagmamahal sa Bansa at Pakikibahagi sa Pandaigdigang Pagkakaisa, at 4) Pananalig sa Panginoon at Preperensya sa Kabutihan.  Ang mga temang ito ay nakasanib sa lahat ng baitang mula una hanggang ikaanim na baitang.



Gawain:

1.     Pangganyak / Panimulang Gawain              

a.    Simulan ang sesyon sa pagtanong sa mga kalahok ng sumusunod:
a.1.  Ano ang kaibahan ng Tao sa Hayop?
a.2.  Bakit sila tao at bakit sila hayop?

b.    Ipakita ang diagram na nasa ibaba.
Oval: TAO
Oval: HAYOP
 







        




c.    Bawat kalahok ay guguhit o maglalarawan sa puting papel ng taong MARUNONG MAGPAKATAO at taong DI-MARUNONG MAGPAKATAO.  Ididikit ang mga ito sa manila paper o cartolina.


2.     Gawain 1  

Paksa:              Pagkilala at Paglinang ng Balangkas Konseptwal para sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)

Kagamitan:     puzzle ng Balangkas Konseptwal para sa EsP, manila papers, masking tape

Mga Gawain:  (10 minuto)

a.    Pagpapangkat Pangkat.  Hatiin ang mga kalahok sa apat na grupo.

b.    Pumili ng tagapagsalita o lider sa grupo at tagapagtala.

c.    Bigyan ang bawat isang grupo ng envelope na may puzzle ng Balangkas Konseptwal na kanilang bubuuin.

d.    Pabigyang-kahulugan ang nilalaman ng Balangkas Konseptwal:
      Unang pangkat          -     gitnang bahagi at unang layer ng balangkas
      Ikalawang pangkat    -     ikalawa at ikatlong layer ng balangkas
      Ikatlong pangkat        -     itaas na bahagi ng balangkas
      Ikaapat na pangkat   -     ibabang bahagi ng balangkas

e.    Magkaroon ng palabunutan kung sinong grupo ang magiging una, ikalawa, ikatlo at ikaapat na pangkat.

f.      Magtalakayan at maghanda sa pag-ulat sa harapan.



           Pagsusuri:  (10 minuto)

a.    Ipasagot ang mga tanong:
a.1.   Ano-ano ang pagkakaiba at pagkakapareho ng inyong mga disenyo?  Saan kayo nagkakaiba at saan kayo nagkakapareho?  (Isulat ang lahat ng sagot sa pisara o maaaring gumamit ng meta cards)
a.2.   Bakit may pagkakaiba at may pagkakapareho ang mga framework na nagawa at naipaskil sa pisara?
                  b.   Bakit naiiba ang inyong disenyo sa framework ng CO?  Banggitin ang batayan at pinagsanggunian.


            Paghahalaw:     (15 minuto)

a.    Pagpapaliwanag hinggil sa:
      a.1.   Framework na ginawa ng mga kalahok (yung naproseso na).
      a.2.   Framework ng CO na ang tutunguhin ay ang Batayang Teorya at Pilosopiya.  Isunod kaagad ang Kompetensiya at bigyan ng kaugnayan ang mga Framework at Gabay Kompetensiya.
      a.3.   Paglalagom ng kabuuan ng proseso.  Kung may gagamiting powerpoint presentation, gamitin ito nang mabilisan subalit maiintindihan at maliwanag.
     

            Paglalapat:        (10 minuto)

1.     Sumulat ng isang maikling sanaysay sa iyong journal hinggil sa kaibahan ng asignaturang EsP sa ibang disiplina.
2.     Gumawa ng lecture-demo sa EsP kung haharap ka na sa iyong mga sasanaying mga guro sa ikalawang baitang. 



Pangwakas

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao ay isang asignaturang napakahalga upang gabayan ang bawat mag-aaral na magpasya at kumilos ng may pananagutan tungo sa kabutihang panlahat. 

Layunin nito na matutuhan ng mga mag-aaral ang tunay na kahulugan ng pagpapakatao.

Ang hamon sa ating mga sarili bilang mga guro, magulang, tagamasid at sa lahat, ay ang patuloy na paggabay at pagiging madelo sa mga mag-aaral para patuloy nilang taglayin ang kanilang natutuhan.





5 comments:

  1. thank u for posting ur work. i now given d idea on how to frame my blueprint

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
    Replies
    1. excuse me...if you don't have anything good to say, please don't say anything at all...you're a shame to the circle of professional teachers'...in fact, i'm beginning to question your education and family upbringing...

      Delete
    2. sir, don't mind him. papansin lang yan. anyway thank you for sharing this, we have learned a lot ;)

      Delete