Sunday, March 16, 2014

Silabus ng Mga Anyo ng Kontemporanyong Panitikang Pilipino (Fil 5)

SILABUS SA FILKOM 5

TITULO NG KURSO
MGA ANYO NG KONTEMPORARYONG PANITIKANG PILIPINO
KOWD
FILKOM 5
BILANG NG YUNIT
Tatlo (3)
KABUUANG ORAS
54

DESKRIPSYON NG KURSO

Pagbasa, pagsulat at interpretasyon ng iba’t ibang anyo ng kontemporaryong panitikan na may pagbibigay diin sa pag-unawa sa mga bisang modernista nito.

MGA LAYUNIN

Ang mga mag-aaral ay inaasahang:

  1. Mahubog ang kaalaman, kasanayan sa pagbasa ng iba’t ibang akdang pampanitikan.
  2. Malinang ang mataas na antas ng kasanayan sa pag-unawa ng mga tula, dula maikling kuwento at iba pang anyo ng panitikan.
  3. Mabigyan ng iba’t ibang interpretasyon ang iba’t ibang dulog pampanitikan.






PAKSA/ BALANGKAS NG KURSO

SAKLAW NA PANAHON


·         Oryentasyon/ Pagpapakilala sa Kurso
·         Mga Layunin ng Kurso
·         Paraan ng pagbibigay ng grado/marka
·         Mga tuntunin sa klase




3 Oras


A.      KALIGIRANG KASAYSAYAN NG PANITIKAN

·         Panitikan sa matandang Panahon
·         Panitikan sa panahon ng Kastila
·         Panitikan sa panahon ng Amerikano
·         Panitikan sa panahon ng Hapon
·         Panitikan sa kasalukuyang  Panahon

B.      Panitikang Pambata

·         Pahapyaw na kasaysayan ng Panitikang Pambata







12 oras

PRELIMINARYONG PAGSUSULIT


3 Oras


A.      Iba’t ibang Dulog Pampanitikan

·         Romantisismo
·         Humanismo
·         Eksistensyalismo
·         Marxismo
·         Iba pang dulog pampanitikan





15 Oras

PANGGITNANG PAGSUSULIT


3 Oras



A. Pagbasa ng iba’t ibang akdang pampanitikan

·         Sa Bagong Paraiso
·         Ang Kalupi
·         Walang panginoon
·         Ang Kuwento ni Mabuti
·         Iba pang maikling Kuwento





15 Oras




PINAL NA PAGSUSULIT
3 Oras


METODOLOHIYA

  • Malayang talakayan
  • Pag-uulat
  • Pangkalahatang gawain
  • Pananaliksik
  • Pagbasa ng mga aklat na may kinalaman sa asignatura


MGA KAHINGIAN

  • Mga mahaba at maikling pagsusulit
  • Pagsulat ng mga akademikong papel


SISTEMA NG PAGMAMARKA

Maikling Pagsusulit                                   10%
Prelim/Midterm/Final                                30%
Resitasyon                                                  25%
Natatanging Aktibidad/Kalahok                10%
Pag-uulat                                                    15%
Pinal na Proyekto                                       10%

Kabuuan                                                   100%               





MGA TUNTUNIN

  • Hindi magbibigay ng espesyal na pagsusulit ang guro sa mga mag-aaral na liban sa araw ng pagsusulit, maliban na lamang kung ang mag-aaral ay may balido at katanggap-tanggap na rason.
  • Kinakailangan ng mga mag-aaral na gumawa at magsumite ng mga akademikong papel at sulating papel sa takdang araw na napagkasunduan ng buong klase.
  • Ang anumang akademiko o sulating papel na hindi naisumite sa takdang araw ay may kaukulang bawas na marka.
  • Responsibilidad ng mga mag-aaral na alamin ang paksang tinalakay sa mga araw na siya ay liban upang makahabol sa talakayan sa klase.
  • Ang magsisilbing grado para sa pinal na pagsusulit ay magmumula sa pananaliksik na isasagawa ng mga mag-aaral.
  • Malaya ang guro na gumamit ng iba’t ibang teksto at kontekstong gagamitin sa pag-aaral.
  • Ang iba pang tuntunin ay pag-uusapan sa loob ng klase.




Inihanda ng:



KAGAWARAN NG FILIPINO


2 comments: