Sunday, March 16, 2014

Silabus sa Panitikang Pilipino (Lit 1)

SILABUS SA LIT.1

TITULO NG KURSO
PHILIPPINE LITERATURE/PANITIKAN NG PILIPINAS
KOWD
LIT.1
BILANG NG YUNIT
Tatlo (3)
KABUUANG ORAS
54

DESKRIPSYON NG KURSO
Ang kursong ito ay pag-aaral sa iba’t ibang anyo ng panitikan/ literatura ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagbasa sa ilang tekstong pampanitikan na hango     sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas , tatalakayin din ang mahahalagang kaganapan sa iba’t ibang panahon ng kasaysayan ng panitikan sa sambayanang Pilipino.



MGA LAYUNIN

Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1.      matalakay nang masaklaw ang Panitikan ng Pilipinas bago dumating ang mga Kastila hanggang sa kasalukuyan.
2.      mabigyan ng pagpapahalaga ang mga akdang pampanitikan na naisulat mula sa iba’t ibang rehiyon.
3.      maibahagi ang kasaysayan ng Pilipinas sa  mga susunod pang henerasyon sa pamamagitan ng pagbibigay  pansin sa sining at pagbabago ng ating lipunan.
                       






PAKSA/ BALANGKAS NG KURSO

SAKLAW NA PANAHON


·         Oryentasyon/ Pagpapakilala sa Kurso
·         Mga Layunin ng Kurso
·         Paraan ng pagbibigay ng grado/marka
·         Mga tuntunin sa klase



3 Oras

I.  Panitikan sa Matandang Panahon
A.    Kaligirang Pangkasaysayan
B.     Mga Anyo ng Panitikan
C.     Mga Unang Tuluyan
D.    Mga Unang Dula

II.                Panitikan sa Panahon ng mga Kastila
A.    Kaligirang Pangkasaysayan
B.     Anyo ng Panitikan
C.     Panulaan
c.1 mga unang tugma
c.2 ladino
c.2 pasyon
c.3 dalit
c.4 awit at korido
                    D. Mga Dula
                        d.1 dulang pantahanan
                        d.2 dulang panlansangan
                        d.3 dulang pantanghalan




6 Oras













6


PRELIMINARYONG PAGSUSULIT


3 Oras

III.             Panahon ng Pambansang Pagkamulat

A.    Kaligirang Pangkasaysayan
B.     Nagkakaisang kampanya Laban sa Reporma
C.     Himagsikan,Ikalawang Kilusan
D.    Mga Tipong Pampanitikan

IV.             Panahon ng mga Amerikano

A.    Kaligirang Pangkasaysayan
B.     Panitikan sa Tatlong Wika
C.     Ang Nobelang Tagalog
D.    Ang maikling Kuwentong Tagalog
E.     Panulaan sa Wikang Tagalog
F.      Pagbabalikwas ng Pagkamakabago


PANITIKAN NG IBA’T IBANG REHIYON

I.                   Panitikan ng Rehiyon I
II.                Panitikanng Rehiyon II
III.             Panitikan ng Rehiyon III





      6 Oras










6 Oras







3 Oras

PANGGITNANG PAGSUSULIT


3 Oras
V.
IV.             Panitikan ng Rehiyon IV
V.                Panitikan ng Rehiyon V
VI.             Panitikan ng Rehiyon VI
VII.          Panitikan ng Rehiyon VII
VIII.       Panitikan ng Rehiyon VIII
IX.             Panitikan ng Rehiyon IX
X.                Panitikan ng Rehiyon X
XI.             Panitikan ng Rehiyon XI
XII.          Panitikan ng Rehiyon XII
XIII.       Panitikan ng Rehiyon XIII
XIV.       Panitikan ng Rehiyon  XIV
XV.          Panitikan ng Rehiyon XV
XVI.           Panitikan ng Rehiyon XVI







9 Oras





       6 Oras
PINAL NA PAGSUSULIT
3 Oras


METODOLOHIYA

  • Malayang talakayan
  • Pag-uulat
  • Pangkatang gawain
  • Pananaliksik
  • Pagbasa ng mga aklat at teksto na may kinalaman sa asignatura


MGA KAHINGIAN

  • Mga mahaba at maikling pagsusulit
  • Suring-basa
  • Pinal proyekto


SISTEMA NG PAGMAMARKA

Maikling Pagsusulit                                   10%
Prelim/Midterm/Final                                30%
Resitasyon                                                  25%
Natatanging Aktibidad/Kalahok                10%
Pag-uulat                                                    15%
Pinal na Proyekto                                       10%

Kabuuan                                                   100%               


MGA SANGGUNIAN

Babasoro, Potenciana R. et. al. Sining ng Komunikasyon (Batayan at Sanayang-aklat sa Filipino 1) Mutya Publishing House, Inc. Balubaran, Valenzuela City. 2003.
Gabay sa Ortograpiyang Filipino. Komisyon sa Wikang Filipino. San Miguel, Maynila. 2009.
Garcia, Lakandupil C. et. al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Jimcy Publishing House. Cabanatuan City. 2006.
Rovira, Stanley G. et. al. Intergratibo at Interaktibong Komunikasyon sa Filipino (Aklat sa Filipino 1- Antas Tersyarya). Mutya Publishing House, Inc. Malabon City. 2010.


MGA TUNTUNIN

  • Hindi magbibigay ng espesyal na pagsusulit ang guro sa mga mag-aaral na liban sa araw ng pagsusulit, maliban na lamang kung ang mag-aaral ay may balido at katanggap-tanggap na rason.
  • Kinakailangan ng mga mag-aaral na gumawa at magsumite ng mga akademikong papel at sulating papel sa takdang araw na napagkasunduan ng buong klase.
  • Ang anumang akademiko o sulating papel na hindi naisumite sa takdang araw ay may kaukulang bawas na marka.
  • Responsibilidad ng mga mag-aaral na alamin ang paksang tinalakay sa mga araw na siya ay liban upang makahabol sa talakayan sa klase.
  • Malaya ang guro na gumamit ng iba’t ibang teksto at kontekstong gagamitin sa pag-aaral.
  • Ang iba pang tuntunin ay pag-uusapan sa loob ng klase.



Inihanda ng:

KAGAWARAN NG FILIPINO

No comments:

Post a Comment