Sunday, March 16, 2014

Silabus ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino

TITULO NG KURSO: Komunikasyon sa Akademikong Filipino
KOWD: FIL 1
BILANG NG YUNIT: Tatlo (3)

Deskripsyon ng Kurso:
Ang Filipino 1 ay isang metalinggwistik na pag-aaral sa gamit ng akademikong Filipino sa iba’t ibang sitwasyon at larangan. Sa paraang interdisiplinaryo at interaktibo. Inaasahang malilinang sa mga mag-aaral ang mga kailangang kaalaman at kasanayang komunikatibo: pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat, at panonood.

Mga Layunin:
Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
  1. Mapagbuti at maiangat ang kakayahang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain sa loob at labas ng paaralan.
  2. Magamit ang kasanayan sa pag-unawa, pagpapakahulugan, pagsusuri at pagbibigay halaga sa mga paksang napakinggan o nabasa.
  3. Makapagpahayag ng mga kaisipan at pananaw sa pamamaraang wasto, malinaw at mabisa.
  4. Magamit ang Wikang Filipino sa pagpapahalaga at pagpapalaganap ng katotohanan, at kahalagahang pantao, at higit sa lahat, pagmamahal sa kapwa at Poong Maykapal.
  5. Matutunan ang pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan (interaksyon) sa kapwa mag-aaral na ginagamit ang mga kasangkapan (tool) ng wika.
Bilang ng Pagkikita
Yunit
Aralin
Gawain
1

Oryentasyon sa Kurso
Pagtatakda ng mga panuntunan sa klase

2
I – Samu’t Saring Kabatiran sa Wika
Aralin 1 – Batayang Kaalaman sa Wika


Kahulugan ng Wika
Katangian ng Wika
Teorya sa Pinagmulan ng Wika


Pagguhit ng sariling teorya sa pinagmulan ng wika
3



Aralin 2 – Barayti ng Wika
Kahalagahan ng Wika
Tungkulin ng Wika

Baryasyon ng Wika
Antas ng Wika



Pagsasagawa ng isang maikling dula na nagpapakita ng iba’t ibang antas ng wika batay sa iba’t ibang sitwasyon.
4
Aralin 3 – Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Resitasyon sa Kasaysayan ng Wikang Pambansa
5
Aralin 4 – Ebolusyon ng Ortograpiyang Pilipino
Kasaysayan ng Ortograpiyang Filipino
Mga Tuntunin ng 2009 Ortograpiyang Filipino
Gawain
Paglalapat ng sulat-baybayin ang tekstong pambansang awit ng Pilipinas
6
PRELIMINARYONG PAGSUSULIT
7
II – Ang Linggwistika sa Pilipinas
Aralin 1 – Ang Linggwistika sa Pilipinas



Aralin 2 – Ponolohiya


Kahulugan ng Linggwistika
Kasaysayan ng Linggwistika
Mga kaugnay na pag-aaral sa Linggwistika
Ang ponolohiya ng Wikang Filipino

8
Aralin 3 – Morpolohiya

Aralin 4 – Sintaks at Semantika
Ang Morpolohiya ng Wikang Filipino
Ang Sintaks at Semantika ng Wikang Filipino

9
PANGGITNANG PAGSUSULIT
10
III – Komunikasyon at Diskurso
Aralin 1 – Komunikasyon


Kahulugan ng Komunikasyon
Kahalagahan ng Komunikasyon
Kasaysayan ng Komunikasyon
Elemento at Proseso ng Komunikasyon

11

Uri ng Komunikasyon
Modelo ng Komunikasyon
Dapat isaalang-alang sa mabisang komunikasyon
Mga Sagabal sa Komunikasyon






Maikling dula na nagpapakita ng sagabal sa komunikasyon
12
Aralin 2 – Diskurso
Kahulugan ng Diskurso
Uri ng Diskurso

Pagsulat ng tig-iisang halimbawa sa mga sumusunod na diskurso batay sa mungkahing paksa.
13
PRE-FINALS EXAMINATION
14
IV – Makrong Kasanayan
Aralin 1 – Pakikinig


Kahulugan ng Pakikinig
Kahalagahan ng Pakikinig
Proseso ng Pakikinig
Uri ng Pakikinig
Uri ng Tagapakinig
Maging Aktibong Tagapakinig


Gawaing Pakikinig
15
Aralin 2 – Pagsasalita
Kahulugan ng Pagsasalita
Salik sa Mabisang Pagsasalita
Katangian ng isang mahusay na tagapagsalita
Mga Kasanayan sa Pagsasalita
Pagsasagawa ng isang storytelling
16
Aralin 3 – Pagbasa
Kahulugan ng Pagbasa
Proseso ng Pagbasa
Modelo ng Pagbasa
Estilo ng Pagbasa
Masining na Pagbasa

17
Aralin 4 – Panonood



Aralin 5 – Pagsulat
Larangan ng Paglalapat ng Panonood
Mga Paalaala sa Panonood
Kahulugan ng Pagsulat
Kahalagahan ng Pagsulat
Uri ng Pagsulat
Hakbang sa Pagsulat
Panonood at Paggawa ng isang movie review
18
PINAL SA PAGSUSULIT

Metodolohiya
  • Malayang Talakayan
  • Pag-uulat
  • Pangkalahatang gawain
  • Debate
  • Pagsulat ng mga akademikong sulatin
  • Masining na Pagbigkas (Pampublikong Pagbigkas)
  • Pagbasa ng mga aklat na may kinalaman sa asignatura

Mga Kahingian
  • Pagiging aktibo sa mga gawain at kasanayan sa loob ng klase (resitasyon at pag-uulat)
  • Mga sulatin/akademikong papel
  • Mga mahaba at maikling pagsusulit

Sistema ng Pagmamarka
Maikling Pagsusulit                                     10%
Resitasyon                                                  20%
Pagdalo                                                             5%
Natatanging Aktibidad/Kalahok                  15%
Prelim/Midterm/ Prefinals/Finals                  40%
Kabuuan                                                   100%

Sanggunian
Carpio, Perla S. 2012. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Jimcyzville         
            Publications. Malabon City.
Tuntunin

  • Hindi magbibigay ng espesyal na pagsusulit ang guro sa mga mag-aaral na liban sa araw ng pagsusulit, maliban na lamang kung ang mag-aaral ay may balido at katanggap-tanggap na rason.
  • Kinakailangan ng mga mag-aaral na gumawa at magsumite ng mga akademikong papel at sulating papel sa takdang araw na napagkasunduan ng klase.
  • Ang anumang akademiko o sulating papel na hindi naisumite sa takdang araw ay may kaukulang bawas na marka.
  • Responsibilidad ng mga mag-aaral na alamin ang paksang tinalakay sa mga araw na siya ay liban upang makahabol sa talakayan sa klase.
  • Malaya ang guro na gumamit ng iba’t ibang teksto at kontekstong gagamitin sa pag-aaral.
  • Ang iba pang tuntunin ay pag-uusapan sa loob ng klase

2 comments: