Sunday, March 16, 2014

Silabus ng Pagpapahalagang Pampanitikan (Fil 4)

SILABUS SA FILKOM 4

TITULO NG KURSO
PAGPAPAHALAGANG PAMPANITIKAN
KOWD
FILKOM 4
BILANG NG YUNIT
Tatlo (3)
KABUUANG ORAS
54

DESKRIPSYON NG KURSO
Ang asignaturang ito ay magbibigay kasanayan sa produksyon ng mga malikhaing obra at sariling likhang mga estudyante sa iba’t ibang midyum ng interpretasyon tulad ng sabayaang pagbigkas, madulang pagbasaa, readers chamber teathre, pantomina at aplikasyon ng multi-media.


MGA LAYUNIN

Ang mga mag-aaral ay inaasahang:

  1.  Maging dalubhasa sa pagtatamo ng mga kagalingan/kasanayan sa larangan ng komunikasyon, wika at literatura
  2. Makapagtanghal ng isang mahusay na  dula.
  3. Mapahalagahan ang acting workshop upang madebelop ang kakayahan sa pag-arte.




PAKSA/ BALANGKAS NG KURSO

SAKLAW NA PANAHON


·         Oryentasyon/ Pagpapakilala sa Kurso
·         Mga Layunin ng Kurso
·         Paraan ng pagbibigay ng grado/marka
·         Mga tuntunin sa klase




3 Oras

MAIKLING KASAYSAYAN NG DULA

  1. Pahapyaw na Kasaysayan ng Dula sa Pilipinas
1.1 Mga Unang Dula sa Pilipinas
       1.1.1  Seremonya at Ritwal

        2.  Mga Dula sa Iba’t Ibang Panahon
 2.2  Panahon ng Kastila   
 2.3  Panahon ng Amerikano
 2.4  Panahon ng Hapon
               2.5  Kasalukuyang Panahon







12 Oras

PRELIMINARYONG PAGSUSULIT

       
       3 Oras


ANG MAIKLING  KUWENTO

1.       Katuturan ng maikling kuwento
2.       Pinag-ugatan ng maikling kuwento
3.       Uri ng maikling kuwento
4.       Mga bahagi ng maikling kuwento
5.       Madamdaming pagbasaa  ng kuwento
            isahan
            maramihan

                   ANG SABAYANG PAGBIGKAS
      
1.       Uri ng sabayang pagbigkas
2.       Paraan ng pagsasagawa ng sabayang pagbigkas





       15 Oras

PANGGITNANG PAGSUSULIT


3 Oras

ANG TEATRO O TANGHALAN

  1. Katuturan
  2. Katangian
  3. Uri
  4. Ang Tanghalan o “Theater Space”

ANG PANTOMINA
BASIC ACTING WORKSHOP



9 Oras


6 Oras
PINAL NA PAGSUSULIT
3 Oras


METODOLOHIYA

  • Malayang talakayan
  • Indibidwal /Pangkatang gawain
  • Acting Workshap


MGA KAHINGIAN

  • Mga mahaba at maikling pagsusulit
  • Pagtatanghal


SISTEMA NG PAGMAMARKA

Maikling Pagsusulit                                   10%
Resitasyon                                                  10%
Natatanging Aktibidad/Kalahok                40%
Pag-uulat                                                    10%
Pinal na Proyekto                                       30%

Kabuuan                                                   100%               


MGA SANGGUNIAN

Babasoro, Potenciana R. et. al. Sining ng Komunikasyon (Batayan at Sanayang-aklat sa Filipino 1) Mutya Publishing House, Inc. Balubaran, Valenzuela City. 2003.
Gabay sa Ortograpiyang Filipino. Komisyon sa Wikang Filipino. San Miguel, Maynila. 2009.
Garcia, Lakandupil C. et. al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Jimcy Publishing House. Cabanatuan City. 2006.
Rovira, Stanley G. et. al. Intergratibo at Interaktibong Komunikasyon sa Filipino (Aklat sa Filipino 1- Antas Tersyarya). Mutya Publishing House, Inc. Malabon City. 2010.


MGA TUNTUNIN

  • Hindi magbibigay ng espesyal na pagsusulit ang guro sa mga mag-aaral na liban sa araw ng pagsusulit, maliban na lamang kung ang mag-aaral ay may balido at katanggap-tanggap na rason.

  • Responsibilidad ng mga mag-aaral na alamin ang paksang tinalakay sa mga araw na siya ay liban upang makahabol sa talakayan sa klase.
  • Malaya ang guro na gumamit ng iba’t ibang teksto at kontekstong gagamitin sa pag-aaral.
  • Ang iba pang tuntunin ay pag-uusapan sa loob ng klase.

Inihanda ng:



KAGAWARAN NG FILIPINO


1 comment:

  1. Bakit po kaya na ang mga sanguniang ginamit o nakasulat ay halos aklat sa Komunikasyon samantalang ang pag-aaralan ay panitikan?

    ReplyDelete