Friday, March 21, 2014

Mga Proseso sa Pagtuturo ng Edukasyon sa Pagpapakatao


Mga Proseso sa Pagtuturo ng Edukasyon sa Pagpapakatao

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao ay naglalayong gabayan ang mga mag-aaral na mahanap o matagpuan ang kabuluhan ng kanyang buhay, ang papel niya sa lipunang Pilipino upang makibahagi siya sa pagtatayo ng pamayanang pinaiiral ang katotohanan, kalayaan, katarungan at pagmamahal. Upang maipamalas ito, kailangang taglay niya ang limang pangunahing kakayahan (macro skills)*: pag-unawa, pagninilay, pagsangguni, pagpapasya at pagkilos.
         Ang mga mag-aaral sa ikalawang baitang ay gagabayan sa mga sumusunod na  
         proseso. Ito ay ang sumusunod:

·   Alamin/Isaisip – Sa prosesong ito, ang mga mag-aaral ay binibigyan nang pagkakataon na maalala o maipakita ang anumang dating kaalaman na may kinalaman sa leksyon. Dito rin maaaring malaman o matandaan ng mga bata at maproseso sa sarili ang anumang maling kilos o gawa at tuluyan itong itama sa patnubay ng guro. 
·   Isagawa – Upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang bawat aralin, sila ay magsasawa ng iba’t ibang gawain na batay sa anumang layunin upang higit na maunawaan ng mag-aaral ang bawat aralin.
·   Isapuso – Ang prosesong ito ay naglalaman ng mga kaisipang dapat tandaan at pahalagahan ng mag-aaral. Ang pagbibigay ng iba’t ibang gawain na higit na magpapatibay sa anumang natutuhan ay dapat din isaalang-alang.
·   Isabuhay - Naglalaman ang bahaging ito ng mga gawaing magpapalalim ng pag-unawa sa bawat pagpapahalagang tinalakay sa bawat aralin at kung paano ito isasabuhay.
·   Subukin - Naglalaman ang bahaging ito ng mga pagsusulit upang mataya ang natutuhan ng bawat mag-aaral tungkol sa mga aralin na batay sa mga layunin na nasa EsP Curriculum Guide.
       Ang mga prosesong ito ay dapat maging bahagi ng pag-aaral ng mga bata sa ikalawang baitang upang higit nilang maunawaan ang mensahe ng anumang leksyon, maisabuhay at maisakatuparan ang anumang kilos at higit sa lahat ay ang magkaroon ng tamang desisyon na may tamang pagkilos.



No comments:

Post a Comment