Pagkukwento
1. Ang kweto ay orihinal o di orihinal na katha
at nakatuon sa tema ng PASUC sa taong ito.
2. Ang pagkukwento ay magaganap sa loob ng 5
minuto na magsisimula sa hudyat ng hatol ng tagaoras. Babawasan ng 2 puntos sa
kabuuang marka ang pagkukuwentong lalabis sa 5 minuto. Ang kuwento ay nasa
antas pangkolehiyo.
3. Walang anumang epektong teknikal na gagamitin
tulad ng mikropono, musika, o tunog. Wala ring gagamiting larawan o anumang
sining biswal.
4. Limitado and kilos o galawa sa entablado
habang nagkukuwento.
5. Ang kasuotan ay angkop sa piyesa at naayon sa
pamantayang moral at etikal.
6. Limang sipi ng piyesa ang dapat naipasa bago
magsimula ang patimpalak.
7. Ang hatol ng inampalan ay pinal at hindi
mapasusubalian.
i.
Kakayahan sa
pagbigkas —————————————————————————- 20%
ii.
Nilalaman at kaayusan
ng lohika ng mga pangyayari ———————————- 20%
iii.
Kakayahan sa pagbabago
ng boses ————————————————————— 15%
iv.
Kahusayan sa
pagbibigay buhay sa papel na ginagampanan o tauhan ————- 25%
v.
Kakayahan sa
panghihikayat sa kawilihan ng nakikinig ——————————– 20%
TOTAL ——————-
100%
- Pagkukuwento
Kwento – isang uri ng salaysay na nagsasaad ng mga pangyayaring
maaaring totoo o
kaya ay kathang-isip lamang.
Maikling kwento – isang uri ng panitikan na may katamtamang
habang salaysay ng isang
Natatangi at mahahalagang
pangyayari sa buhay na karaniwang may elemento
ng drama.
·
Layunin
ng Pagkukuwento
1.
Malibang
2.
Masanay
sa pagsasalita sa harapan ng ibang tao
·
Mga Dapat
Isaalang-alang sa Pagkukuwento
1. Hangga’t maaari, piliin ang paksang
napapanahon dahil magiging kawili-wili
ito sa mga tagapakinig lalo
na kung bago ang paksa, lalo pa’t ito’y naiuugnay sa kasalukuyang pangyayari.
2. Gumamit ng nga salitang nauunawaan ng mga
tagapakinig. Iwasang
gumamit ng mga malalalim na salitang hindi
kayang abutin ng
komprehensyon ng mga tagapakinig.
3. Iangkop ang paksa sa kinagigiliwan ng mga
tagapakinig.
4. Gawing malinaw at tiyak ang aral na nais
iparating ng kuwento sa mga
tagapakinig.
5. Bigyang buhay ang kilos, gawi at pananalita
ng mga tauhang inilahad sa
pagkukuwento. Ang paggamit ng
iba’t ibang istilo sa pagsasalaysay ay
nakapagdaragdag
ng lalong pagkalugod ng mga tgapakinig.
6. Gumamit ng mga kagamitang pantanghalan at
lumikha ng iba’t ibang tunog,
tulad ng isang
tunog ng nasusunog na bundok, ulan, putok ng baril, at iba pa.
·
Pamantayan
sa Pagkukuwentong Pasalita
1.
Tiyaking
alam na alam ang kwentong isasalaysay.
2.
Balangkasin
sa isip ang kwento bago isalaysay.
3.
Iwasang
banggitin ang mga di-mahahalagang bagay.
4.
Gumamit
ng mga angkop na salita sa pagkukuwento.
5.
Isalaysay
ang kwento na parang nakikipag-usap.
6.
Sikaping
maging masigla sa pagkukuwento.
7.
Bigkasing
malinaw ang mga salita.
8.
Huwag
magmadali sa pagsasalaysay.
9.
Gawing
katamtaman ang lakas ng boses
10.
Tumindig
nang matuwid.
11.
Tumingin
sa mga nakikinig.
12.
Iwasan
ang paggamit ng mga pangatnig na: at, saka, tapos, noong kuwan.
·
Mga
Uri ng Maikling Kwento
1.
Katutubong
kulay – naglalarawan ng pinangyarihan, ang ayos ng pamumuhay at pag-uugali ng
mga naninirahan, ang kanilang pananamit, hanapbuhay, pagsasalita o ang kabuuan
ng nasabing kapaligiran.
2.
Pag-ibig
– binibigyang-diin ditto ang mga pagtatangi hayag man o hindi, ng dalawang
pusong umiibig, ang pagliligawan, ang tampuhan at pagmamahalan.
3.
Katatkutan
– naghahayag ng mga pangyayaring kagimbal-gimbal, nakatatakot at nagdudulot ng
lagim.
4.
Kababalaghan
– paksa nito ang mga pangyayaring di kayang ipaliwanag ng isip. Taliwas sa karaniwang takbo ng kalikasan ang
mga pangyayari.
5.
Katatawanan
– nagpapatawa at nagdudulot ng kasiyahan sa mga nakikinig.
6.
Talino
– humahamon sa katalinuhan ng mga mambabasa.
Puno ng suliranin ang mga pangyayari.
7.
Pampagkakataon
– lumalabas lamang tuwing may pagdiriwang o okasyon.
8.
Tagpuan
– binibigyang-diin ditto ang kahalagahan at kabuluhan ng pook na pinangyarihan
ng kwento.
9.
Tauhan
– higit na pinahahalagahan ditto ang pangunahing tauhan.
10.
Mabanghay
– ipinakikita sa kwentong ito kung paanong ang pangyayari’y nakapagdulot ng
pagbabago sa pangunahing tauhan. Ang
madulang tagpo ay siyang bumubuo ng kalagayan ng pangyayari.
Hakbang sa Masining na Pagkukwento
1. Pumili ng materyales na gagamitin.
2. Kahit sino ay pwedeng maglahad ng kwento
3.Malakas ang paglalahjad ng kwento
4. Ekspresyon ng mukha
5. Ang kwento ay dapat naayon sa tagapakinig.
Estilo ng
tagapagkwento
Ang damdaming ginagamit upang mapukaw an gang kintal sa
isipan ng mga tagapakinig
No comments:
Post a Comment