Sunday, March 16, 2014

Mala-masusing Banghay-Aralin sa Filipino (Hakbang sa Pagbasa)

Mala-Masusing Banghay Aralin sa Filipino
Filipino 1 – Komunikasyon sa Akademikong Filipino
I.                   Layunin
A.    Nalalaman ang iba’t ibang mga hakbang sa pag-unawa sa binasa.
B.     Nasusuri ang pagkakaiba ng iba’t ibang hakbang sa pag-unawa sa binasa.
C.    Napahahalagahan ang isang ganap na pagbasa.
D.    Nakapagbabahagi ng karanasan sa pagbasa ng ilang mga akda.
E.     Nakapagbibigay ng isang pagsusuri sa mga akdang binasa.
II.                Paksang-Aralin
A.    Paksa: Mga  Hakbang sa Pag-unawa
B.     Talasanggunian
Aguilar, Jennifor L. 2010. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Jehner’s Publishing House. Rizal.
Austero, Cecilia S. et.al.. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Unlad Publishing House. Pasig City.
Carpio, Perla S. 2012. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Jimcyzville Publications. Malabon City.
San Juan, Gloria P. 2009. Pagbasa at Pagsulat tungo
sa Pananaliksik (Binagong Edisyon). Grandwater Publishing Inc.
Metro Manila.
C.    Kagamitan: Pisara at marker
D.    Pagpapahalaga: Pag-unawa at ganap na pagbasa.
III.             Pamamaraan
A.    Paunang Gawain
1.      Pagpapakilala
2.      Pagsasaayos ng mga upuan
B.     Pagganyak
Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral kung sila ba ay nagbabasa. Matapos nito ay ang pagtalakay sa kung ano ang kanilang binabasa? Ano ang nilalaman ng kanilang nabasa? Ano ang kanilang pagkakaunawa sa kanilang binasa? At, ano-ano ang mga hakbang na kanilang isinagawa bago lubusang maunawaan ang kanilang binasa. Lilimitahan lamang ito ng guro hanggang sa dalawang mag-aaral lamang.
C.     Paglalahad
1.      Pagtalakay sa mga hakbang sa pagbasa.
2.      Masusing pagtalakay at pagbibigay ng halimbawa sa unang hakbang: pagkilala.
3.      Masusing pagtalakay at pagbibigay ng halimbawa sa ikalawang hakbang: pag-unawa.
4.      Masusing pagtalakay at pagbibigay ng halimbawa sa ikatlong hakbang: Reaksyon.
5.      Masusing pagtalakay at pagbibigay ng halimbawa sa ikaapat na hakbang: Asimilisasyon/Integrasyon.
D.    Paglalahat
Pagtanong ng guro sa mga mag-aaral sa kung ano ang kahalagahan sa isang tao ang pagkakamit ng isang ganap na pag-unawa sa binasang akda. Matapos nito ay ang malayang talakayan hinggil sa tugon ng mga mag-aaral.
E.     Paglalapat
Magbibigay ang guro ng isang saknong mula sa tulang “Vulcan Mayon” na isinulat ni Rafael Grageda. Babasahin at uunawain ito ng mga mag-aaral. Matapos nito ay hihingan sila ng kanilang mga masasabi hinggil sa akda. Susukatin sa gawaing ito ang kanilang hakbang sa pag-unawa hinggil sa binasa. Lilimitahan lamang ito ng guro sa 5 minuto.
IV.             Takdang-Aralin
Basahin at unawain ang akdang “Ang Mundo sa Paningin ng Isang…” na isinulat ni Rogelio Ordoñez. Bigyang reaksyon ito.


Inihanda ni:



Raymark D. Llagas

No comments:

Post a Comment