Sunday, March 16, 2014

Silabus ng Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik

SILABUS SA FILKOM 2

TITULO NG KURSO
PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK
KOWD
FILKOM 2
BILANG NG YUNIT
Tatlo (3)
KABUUANG ORAS
54
KAHINGIAN
FILKOM 1
DESKRIPSYON NG KURSO
Ang kursong ito ay magbibigay pokus sa akademikong pagbasa at lohikal na pagsulat tungo sa paggawa ng sariling pananaliksik. Sasaklawin din ng kurso ang makabuluhang paggamit ng iba’t ibang estratehiya sa pagbasa at pagsulat bilang paghahanda ng mga sulating pang-akademiko.
MGA LAYUNIN
Ang mga mag-aaral ay inaasahang:

  1. Maipakita ang higit na mataas na antas ng kakayahang pangkomunikatibo gamit ang wikang Filipino.
  2. Matutuhan ang mga estratehiya sa pagbasa at pagsulat ng teksto upang makalikha ng isang sulating pananaliksik.




PAKSA/ BALANGKAS NG KURSO
SAKLAW NA PANAHON
·         Oryentasyon/ Pagpapakilala sa Kurso
·         Mga Layunin ng Kurso
·         Paraan ng pagbibigay ng grado/marka
·         Mga tuntunin sa klase



3 Oras

YUNIT I

PAGTALAKAY SA WIKANG FILIPINO AT KOMUNIKASYON

·         Wika
-          Kahulugan
-          Katangian
-          Kahalagahan
-          Gampanin
-          Mga Pangunahing Teorya

PAGBASA AT PAGSULAT

A. Pagbasa

·         Kahulugan, katangian, layunin, kahalagahan at gampanin ng pagbasa.
·         Mga sanhi sa kahinaan at mga estratehiya na makatutulong sa pag-unawa ng teksto.
·         Gamit ng teksto (pagkilala sa konteksto ng bawat pangungusap, kahalagahan ng pag-unawa ng teksto at interaksyon sa paggamit ng teksto).
·         Mga tuntunin sa pagbasa.
·         Mga paraan sa pagpapaunlad ng pagbasa.
·         Fokus ng istratehiya habang nagbabasa.
·         Sosyo-kognitibong pananaw sa pagbasa.

B. Pagsulat

·         Kahulugan, katangian, kahalagahan at gampanin ng pagsulat.
·         Layunin ng gawaing pagsulat.
·         Mga proseso, salik at sangkap ng pagsulat
·         Interaksyon ng manunulat at mambabasa.
·         Uri ng Pagsulat
·         Fokus ng Pagsulat
·         Mga Pangunahing Bahagi ng Sulatin
·         Liham Pangangalakal









 3 Oras








9 Oras

PRELIMINARYONG PAGSUSULIT

3 Oras


YUNIT II

ANG PANANALIKSIK

·         Kahulugan at katangian ng papel pananaliksik
·         Tungkulin at responsibilidad ng pananaliksik

MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK

·         Kabanata 1
·         Kabanata 2
·         Kabanata 3










15 Oras

GITNANG PAGSUSULIT

3 Oras


YUNIT III

MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK

·         Kabanata 4
·         Kabanata 5




15 Oras



PINAL NA PAGSUSULIT
3 Oras


METODOLOHIYA

  • Malayang talakayan
  • Pag-uulat
  • Pangkalahatang gawain
  • Pananaliksik
  • Pagbasa ng mga aklat na may kinalaman sa asignatura


MGA KAHINGIAN

  • Mga mahaba at maikling pagsusulit
  • Pagsulat ng mga akademikong papel
  • Papel pananaliksik


SISTEMA NG PAGMAMARKA

Maikling Pagsusulit                                   10%
Prelim/Midterm/Final                                30%
Resitasyon                                                  20%
Natatanging Aktibidad/Kalahok                10%
Pag-uulat                                                    15%
Pinal na Proyekto                                       15%

Kabuuan                                                   100%             
 

MGA SANGGUNIAN

A.V. Ramos, C.P. Esperanza, E.S. Tamayo. Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina. Filipino 2. (Pangkolehiyo). Redman Printing, Sta. Mesa, Manila. 2001.
Garcia, Lakandupil G. et. al. Komnikasyon sa Akademikong Filipino. Jimcy Publishing House, Cabanatuan City. 2006
Lachica, Venerabda S. et. al. Dokumentasyon ng Komunikasyon sa Riserts (Unang Edisyon). GMK Publishing House, Quezon City. 2006
Lachica, Veneranda S. et. al. Lingas sa Akademikong Komunikasyon (Unang Edisyon). GMK Publishing House, Quezon City. 2006
Lachica, Veneranda S. et. al. Pandalubhasaang Pagbasa at Pagsulat. M.K. Imprint, Sta. Cruz, Manila. 1998.


MGA TUNTUNIN

  • Hindi magbibigay ng espesyal na pagsusulit ang guro sa mga mag-aaral na liban sa araw ng pagsusulit, maliban na lamang kung ang mag-aaral ay may balido at katanggap-tanggap na rason.
  • Kinakailangan ng mga mag-aaral na gumawa at magsumite ng mga akademikong papel at sulating papel sa takdang araw na napagkasunduan ng buong klase.
  • Ang anumang akademiko o sulating papel na hindi naisumite sa takdang araw ay may kaukulang bawas na marka.
  • Responsibilidad ng mga mag-aaral na alamin ang paksang tinalakay sa mga araw na siya ay liban upang makahabol sa talakayan sa klase.
  • Ang magsisilbing grado para sa pinal na pagsusulit ay magmumula sa pananaliksik na isasagawa ng mga mag-aaral.
  • Ang iba pang tuntunin ay pag-uusapan sa loob ng klase.




Inihanda ng:



KAGAWARAN NG FILIPINO

No comments:

Post a Comment