Sunday, March 16, 2014

Masusing Banghay-Aralin sa Panitikan ng Pilipinas (LIT 1)

Masusing Banghay-Aralin sa Panitikan ng Pilipinas (LIT 1)
PANITIKANG PANULAAN NG REHIYON V
I.                   Layunin
A.    Nalalaman ang panitikang nasa anyong panulaan ng rehiyon V.
B.     Natutukoy ang iba’t ibang uri ng panulaan sa rehiyon V.
C.     Naiuugnay ang karanasan sa mga pangyayari sa mga likhang pampanitikan.
D.    Nakapagsasagawa ng isang maikling pagtatanghal hinggil sa isang awiting bayan ng rehiyon V.

II.                Paksang-Aralin
A.    Paksa:  Panitikang Panulaan ng Rehiyon V
            Patoodan o Bugtong
            Arawika o Kasabihan
            Mga Tula
Pagtalakay at pagsusuri sa awiting bayan na Sarung Banggi.
B.     Sanggunian:
Cruz, Reynaldo J. et.al. Literatura ng Pilipinas (Salamin ng Lahi)
Chan, Editha I. et.al.  2002. Philippine Literature: Literatures from the Regions Mutya Publishing House:Valenzuela City.
C.    Kagamitan: Powerpoint Presentation
  Tulong Biswal
  Larawan
D.    Pagpapahalaga:   Pagsusuri at Pagpapahalaga sa mga Likhang Pampanitikan na nasa Anyong Panulaan ng Rehiyon V.

III.               Pamamaraan
A.    Balik-Aral
Gawain ng Guro                                                       Gawain ng Mag-aaral
Tinalakay natin kanina ang demograpiya,
Kultura at wika ng rehiyon V. Balik-aralan
Nga natin ito.

Unahin natin ang demograpiya. Ilang lalawigan        limang lalawigan.
ang rehiyon V?

Mahusay.

Ngayon, mayroon akong mga ngalan             Albay- Legaspi City
dito ng lugar at gusto kong uriin niyo ito                   Catanduanes- Virac
kung ito ay lalawigan at kabisera.                               Camarines Norte- Daet
Pagtapat-tapatin ito.                                                    Camarines Sur- Pili
                                                                                    Sorsogon- Sorsogon City
                                                                                    Masbate- Masbate City

Mahusay. Tama lahat ng isinagot ng inyong
mga kamag-aaral.

Sunod, ang kultura ng mga Bikolano?                        Likas na mahihilig sa maanghang na pagkain.

Magaling, ano pa?                                                       Mga matipuno o yung tinatawag nilang oragon

Mahusay! Sa wika naman ng Rehiyon V.
Ano ang tawag sa kanilang wika?                              Bikolano.

Magaling. Batid ko naman na lubos niyo nang
naunawaan ang ating talakayan kanina.

B.     Pagganyak
Bago natin ipagpatuloy ang talakayan natin
Hinggil sa Panitikan ng Rehiyon V, may
Ipakikita muna ako sa inyong larawan at gusto
ko na pakatingnang mabuti, suriin at mamaya
Subukan natin bigyan ito ng interpretasyon.

Ano ang mapapansin ninyon sa larawan.                    Isang lalaking namamangka 
Ilarawan niyo nga ang katangiang pisikal nito.           Sa kailaliman ng gabi at pinagmamasdan ang kabilugan ng buwan.

Mahusay. Ngayon, ano naman ang inyong                 Isang lalaking may malalim
Interpretasyon hinggil dito?                                        Na iniisip sa gitna ng gabing mapanglaw.

Ano kaya ang kanyang iniisip?                                   Minamahal niya?

Ok. Maari. Ano pa?                                                    Mga pangarap niya?
Ok. Mahusay.

C.    Paglalahad
1.      Bago ang talakayan
Tama lahat ng inyong nabanggit. Maari
Na may iniisip ang lalaki sa kalaliman ng
Gabi. Ngayon, tingnan natin kung ano ang
Kaugnayan nito sa ating talakayan ngayon.

2.      Pangunahing Talakayan
Pero bago natin talakayin ng lubusan ang
Panitikan ng Bikol, iparirinig ko sa inyo
Ang isa sa pinakatanyag na awiting-bayan
Sa kabikulan, at ito ay pinamagatang
“Sarung Banggi”.

Ang Sarung Banggi, gaya nga ng nabanggit ko
Kanina ay isa sa pinakatanyag na awitin ng
Kabikulan. Ang iba nga ay itinuturing itong
Pambansang Awit ng Bikol. Isinulat ito ni
Potenciano B. Gregorio Sr. noong 1812.

Ngayon, halina’t pakinggan natin ang awiting
“Sarung Banggi”. Pakaunawaing mabuti, pakasuriin
Ang bawat salita at mamaya ay may inihanda akong
Mga katanungan hinggil dito. Maari kayong sumabay
Kung gusto niyo.
Sarung Banggi
Sarung Banggi sa higdaan
Nakadangog ako nin huni sarong gamgam
Sa luba ko katurungan
Bako kundi sismong boses iyo palan

Dagos ako bangon si sakuyang mata imunuklat
Kadtong kadikluman ako nangalagkalag
Si sakong paghiling pasiring sa itaas
Simong lawog naheling ko maliwanag

Ok. Napakinggan bang mabuti?                           Opo.

Ngayon, tingnan naman natin ang salin
Sa Tagalog ng awiting ito. Basahin niyo nga,
Isa, dalawa, tatlo.
Isang Gabi
Isang gabi sa higaan
Nakarinig ako ng huni ng isang ibon
Akala ko, panaginip
Ngunit hindi, iyo pala’y iyong boses

Tuloy ako bumangon, akin mata’y idinilat
Doon sa karimlan ako’y naghanap
Sa aking pagtingala doon sa itaas
Iyong mukha nakita kong maliwanag

Mahusay. Tanong. Ano ang inyong                     
Naramdaman matapos ninyong
Mapakinggan ang awiting bayan?                        Masaya sapagkat nakanta ko nang mahusay ang awitin.

Masaya! Ok, ano pa?                                            Naramdamn ko ang tamis ng pag-ibig.
                                                                             
Bakit naman?                                                        Sapagkat ang awitin ay pumapatungkol sa pag-ibig.

Ok. Mahusay. Sunod, ano ang                                                     
Damdaming namamayani sa awitin?                    Pag-ibig.
Ito ay pumapatungkol sa awitin.                          

Ok. Magaling. Maari niyo bang ikuwento
Kung ano ang nilalaman ng awiting bayan
Na ito?

Magaling. Ngayon, ano kaya ang                        
Gustong ipahiwatig sa atin ng
Awiting bayan na ito?

Naunawaan ba nang mahusay ang awitin?           Opo.

Ngayon, gaya nga nang nabanggit ko kanina,
Ang Sarung Banggi ay isang halimbawa ng?       Awiting Bayan

Magaling. Kung saan ang awiting bayan ay
Nakapaloob sa anong anyo ng panitikan?             Panulaan

Mahusay. Sa puntong ito, tatalakayin natin
Ang panitikan ng rehiyon V. Gaya ng
Pagtalakay natin sa iba pang panitikan
ng rehiyon. Hinahati natin ito sa tatlo,
ito ay ang?                                                             Panulaan, tuluyan at dula.

Mahusay. Ngayon, unahin natin ang anyong
Panulaan. Kapag panulaan? Anong katangian
Ng mga akda rito?                                                May sukat, may tugma, indayog, ritmo at talinghaga.

Magaling. Unahin natin ang mga
Anyo ng panulaan sa rehiyon ng Bikol.

Ano kaya ang una? Kung ang rehiyon ng
Ilokos ay mayroong Burburtia, sa Cagayan
Ay mayroong Burburtia Dagiti. Ano kaya ito?    Bugtong

Mahusay. At kung isasalin natin ito sa
Bikolano, ito ay Patoodan. Tingnan natin ang
Mga halimbawa.
An magurang dai di naghihiro
Anaki nagkakamang
(Ang ina ay di gumagalaw samantalang ang
Anak ay gumagapang)
Ano kaya ang sagot dito?                                     Tanim ng Kalabasa

Mahusay. Ikalawa.
Aram mo para dai masasabutan
Dai mo masasabutan pero atam mo
(Alam mo pero di mo maintindihan, Hindi mo
Maintindihan pero alam mo)
Ano kaya ang sagot rito?                                      Kamatayan

Mahusay. Ngayon, balikan natin ang mga
Patoodan nila, ano ang inyong mapapansin?
Sa estruktura?                                                       Binubuo ng dalawang taludtod

Mahusay. Suriin niyo naman kung paano nila
Ginagawa ang bawat taludtod?                            Ang una ay metaporikal na paglalarawan at ang ikalawa ay ang linyang nagpapagulo sa isipan.

Mahusay. Ano naman ang karaniwang
Mga bagay na ginagawan nila ng
Patoodan?                                                             Mga materyal na bagay.

Mahusay. Nagpapakita lamang ito na malaki
Ang kanilang pagpapahalaga sa kanilang
Mga materyal na bagay. Naunawaan ang
Kanilang patoodan?                                              Opo.

Ano kayang sumunod na anyo?                            Kasabihan?

Ok. Tama. Kung sa rehiyon ng Ilokos ay
Pagsasao, sa mga Ibanag ay Unoni, sa mga
Bikol ay Arawika.
Tingnan natin ang mga halimbawa.
Daing dalan na mapiot sa tawong may hustong
Pagmawot
Walang daang makipot sa taong may gustong
Hinaharap.
Ano kaya ang ibig sabihin ng arawikang ito?       Kung gusto may paraan, kung ayaw maraming dahilan

Tama. Sunod.
An matagas na gapo nalalbotan, kun aldaw
Banggi pigtotoroan
Ang matigas na bato mabubutasan, kung araw at
Gabing pinaghihirapan
Ano kaya ang ibig sabihin nito?                            Pagsusumikap at kasipagan para maabot ang isang bagay.

Sunod,
Bakong gabos na makinang, anas na                  
Bulawan
Hindi lahat ng kumikinang ay ginto
Ano kaya ang ibig sabihin nito?                            Huwag tumingin sa pisikal na kaanyuan lamang.

Mahusay. Ngayon, ano ang mapapansin
Ninyo sa kanilang mga arawika?                          Malaki ang kanilang pagpapahaga sa mga katangian ng isang tao tulad ng karangalan, pagsusumikap.
Mahilig din silang gumamit ng mga basal o
Imahe mula saan?                                                  Kalikasan.

Mahusay. Naunawaan ang kanilang mga
Arawika?                                                               Opo.

Sunod na anyo, ang mga tula.

Ayon sa mga aklat ng kasaysayan, bago pa man
Dumating ang mga kastila, nakagagawa at
Nakapagsusulat na ang mga katutubong bikolano
Ng mga balad. Ano ba ang balad?                        Awiting tungkol sa pag-ibig.

Mahusay. Karaniwan pumapatungkol ito sa
Pakikipagsapalaran, unos, pag-ibig at iba pa.

Mayroon silang uri ng mga tula. Ito ay ang Qit
O awit, Rawit-dawit at tigsikan o abatayo.

Ayon sa mga bikolano, ang Qit o Awit ang
Pinakamahirap gawing anyo ng tula
Sapagkat kailangan lagyan ito ng tono,
Titik at damdamin at emosyon.

Pakinggan natin ang halimbawa,
Pinamagatan itong Si Nanay, Si Tatay
Di Co Babayaan






Si Nanay, Si Tatay Di Co Babayaan
Sin nanay, si tatay di co babayaan
Balakid na boot and sa coyang utang;
Si pagdara sa co ning siam na bulan,
Gatas na dinodo, di co mabayadan

Ay nanay, ay tatay con aco homale
Hihidawon mo man gabus mong aqui
Macacua ca man ning macacasangle
Di na macaarog can sa cong ugale.

Ay nanay, ay tatay con aco maraot
Pogotan nin payo, ibanotg sa lauod;
Cun maheling nindo na piganodanod
Ay nanay, ay tatay sopoda nin tolos

Ano ang nilalaman ng awitin?                              Pagmamahal sa magulang.

Mahusay. Ano pa?                                                Relasyon ng magulang at anak.

Ipinahihiwatig ng awiting ito ang pagmamahal
Ng anak sa kanyang magulang.
Naunawaan ba?                                                     Opo.

Ang Rawit-dawit naman, kung susuriin
Ang estruktura ay binubuo ng 8 pantig
Kada taludtod at 8 hanggang 12 taludtod
Sa bawat saknong.
Basahin natin ang halimbawa,
Vulcan Mayon
Pakpak ning panahon bagsik kong inagiw
Daena makatukod daena makadalaw
Pigtanaw ko ika sa harayong lugar
Puso ko malamos sa pagka lipungaw

Pakpak ng panahon ay inagaw kong lakas
Hindi na ako makaakyat, di na kita madalaw
Pinagmasdan kita mula sa malayong lugar
Puso ko’y nalunod sa sakit na taglay


Bigyan niyo nga ng interpretasyon
Itong rawit-dawit na ito?                                      May temang pag-ibig.

Mahusay.

At huli ay ang Tigsikan o abatayo.
Ito ang kanilang paligsahan sa pagtula.
Sa panitikang Tagalog, ano ang katumbas
Nito?                                                                     Balagtasan




Mahusay. Sa kanila, ito ay tinatawag na
Tigsikan o abatayo. Isinasagawa ito tuwing
May okasyon at habang umiinom sila ng
Alak. Tingnan natin ang halimbawa

Sa mga soltero                                   Sa mga binata
Dapat magtrabaho                            Dapat magtrabaho
Dai magistambay sa canto                Huwag mag-istambay sa kanto
Baso ang capot nindo                        Baso ang hawak ninyo

San Miguel uda ugali an Pilipino      San Miguel ang ugali ng Pilipino
Ta kun nabuburat                               Sapagkat laging naglalasing
Garo na diro demonyo                       Kung kumilos ay parang demonyo
Pag-abot sa baloy                              Pagdating sa bahay
Uda kakanon                                      Walang pagkain

Ok. Ito ang nilalaman ng kanilang
Panulaan.

Naunawaan ba?                                                     Opo.

3.      Paglalahat
Gawain ng Guro                                                 Gawin ng Mag-aaral
Batid ko namang naunawaan ninyo ang
Ating talakayan ngayong araw. Ngayon,
Bilang paglalahat, ano ang masasabi ninyo
Sa panulaan ng rehiyon V?                                   Sumasalamin ang kanilang tradisyon, paniniwala sa kanilang mga akdang pampanitikan.
Mahusay. Ano naman kaya sa tingin
Ninyo ang kaibahan ng panitikan nila
Sa iba pang rehiyon?                                             Nakaugat sa kanilang panulaan ang kanilang tradisyon.
Magaling.

4.      Paglalapat
Bilang inyong gawain, pupunta muli
Kayo sa inyong pangkat. At gaya nga
Ng ating mga nakaraang gawain, bawat
Pangkat ay may kaukulang gawain.
1.      Gumawa ng isang maikling dula na pumapatungkol sa awiting Sarung Baggi.
2.      Gumawa ng isang tula na pumapatungkol sa awiting Sarung Baggi.
3.      Gumawa ng isang islogan at poster na pumapatungkol sa awiting Sarung Baggi.
4.      Gumawa ng isang awitin na pumapatungkol sa awiting Sarung Baggi.

 Bibigyan ko kayo ng 10 minuto upang
Gawin ang inyong gawain. Matapos nito
Ay ipakikita niyo na sa amin ang inyong
Inihandang gawain.

Sige gawin na.


                            
IV.                Pagtataya
Isulat ang titik ng tamang sagot.
1.      Kabisera ng Camarines Norte.
a.       Daet                                  c. Masbate City
b.      Virac                                 d. Pili
2.      Sa anong bilang ng rehiyon ang Bikol?
a.       IV-A                                 c. III
b.      I                                         d. V
3.      Ang sumulat ng Sarung Banggi
a.       Potenciano B. Gregorio    c. Walter H. Loving
b.      Clemente Alejandria         d.  Nicolas Arcilla
4.      Pinakamahirap gawing anyo ng tula.
a.       Qit                                     c. Rawit-Dawit
b.      Tula                                   d. Tigsikan o abatayo
5.      Katumbas ng bugtong sa Bikol
a.       Arawika                            c. Burburtia
b.      Patoodan                           d. Unoni
6.      Paksang nakapaloob sa awiting Sarung Baggi.
a.       Relihiyon                           c. Pag-ibig
b.      Tradisyon                          d. Patriotismo
7.      Ang patrona ng Kabikulan
a.       Padre David de Avila
b.      Nuestra Señora de Peñafrancia
c.       San Pedro Calungsod
d.      Sta. Magdalena
8.      Katawagan sa kasabihan ng mga Bikolano
a.       Patodan                             c. Burburtia
b.      Arawika                            d. Riddles
9.      Bilang ng lalawigan sa rehiyon ng Bikol?
a.       4                                        c. 6
b.      5                                        d. 7


10.  Lugar kung saan matatagpuan ang bulkang Mayon
a.       Albay                                c. Sorsogon
b.      Masbate                             d. Camarines Norte

V.                Takdang-Aralin
Pag-aralan ang kabuuang aspekto ng susunod na rehiyon, ang rehiyon 13.

Inihanda ni:

Raymark D. Llagas
Gurong Mag-aaral

Inaprubahan ni:



Prop. Ophalyn Salcedo-Mortera

Gurong Kritiko 

4 comments:

  1. THIS IS VERY HELPFUL ESPECIALLY FOR BEGINNERS. THANKS A LOT :)

    ReplyDelete
  2. Maraming salamat po sa pagbabahagi ng iyong expertise sa Pagtuturo ng Panitikan po. Malaki pong tulong ito.

    ReplyDelete