Sunday, March 16, 2014

Silabus sa Retorika (Fil 3)

TITULO NG KURSO: Masining na Pagpapahayag
KOWD: FIL 3
BILANG NG YUNIT: Tatlo (3)

Deskripsyon ng Kurso:
Ang kursong ito ay nakatuon sa masusing pag-aaral sa masining, mabisa at matatas na paggamit ng wikang Filipino na pinakainstrumento sa pagpapahayag. Sumasaklaw ito sa maangkop at masining na pagpili ng mga salitang gagamitin ayon sa dalawang anyo ng pagpapahayag: pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad at pangangatwiran. Lilinagin dito ang kakayahan at kahusayang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral sa pagdidiskursong pasulat man at/o pasalita.

Mga Layunin:
Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
  1. Malinang ang kakayahang pang komunikatibo (pasalita at pasulat) ng mga mag-aaral gamit ang wikang Filipino.
  2. Mahubog ang kagalingan ng mga mag-aaral sa maangkop at masining na pagpili ng mga salitang gagamitin.
  3. Makapagsanay sa pagsasalita at pagsusulat ng iba’t ibang komposisyong lilinang sa kakayahan ng mga mag-aaral na makapagpahayag ng kanilang damdamin, kaalaman, karanasan at saloobin.
  4. Makabuo ng portfolio ng mga sulating naglalarawan, nagsasalaysay, naglalahad at nangangatwiran batay sa iba’t ibang konteksto tulad ng teknikal at literari.
  5. Makapagsagawa/ makapagtanghal ng dula, debate o talumpati.
Bilang ng Pagkikita
Yunit
Aralin
Gawain
1

Oryentasyon sa Kurso
Pagtatakda ng mga panuntunan sa klase

2
I – Kalikasan at Simulain ng Retorika
Aralin 1 – Ang Retorika


Kahulugan ng Retorika
Kasaysayan ng Retorika
Kahalagahan ng Retorika
Kanon o Batas ng Retorika
Ang Retorika sa Proseso ng Mabisang Pagpapahayag

3
Aralin 2 – Ang Balarila



Aralin 3 – Gampanin ng balarila sa Retorika
Kahulugan at Katuturan ng Balarila
Relasyon ng Balarila at Retorika
Kaayusan ng mga Salita sa Pangungusap
Pagpili ng Mabisang Salita sa Pagbuo ng Kahulugang Nilalayon

4

Paggamit ng mga retorikal na kagamitan o transisyunal na pagsasalita
  1. Idyoma
  2. Salawikain, Kasabihan at Kawikaan
  3. Tayutay
Iba’t ibang uri ng pangungusap
Pagtukoy ng mga tayutay sa isang sulatin.
6
PRELIMINARYONG PAGSUSULIT
7
II – Ang Estilo
Aralin 1 – Ang kalikasan at Simulain ng Estilo sa Mabisang Pagpapahayag

Kahulugan ng Estilo
Kalikasan ng Estilo
Masining na Ekspresyon ng mga Ideya
Ang Pwersa ng isang pahayag/Komunikasyon

7
Aralin 2 – Ang Kagandahan ng Isang pahayag/Komunikasyon

Aralin 3 – Batayang Uri ng Diskors


Kapangyarihan ng Wika
Pagtuklas sa kahulugan ng mga Salita

Ang Diskurso
Uri ng Diskurso

8
Aralin 4 – Ang Pagsasalin
Mga Batayang Kaalaman sa pagsasalin
Mga Paraan ng Pagsasalin
Yugto ng Pagsasalin

9
PANGGITNANG PAGSUSULIT
10
III – Ang Pampublikong Pagbigkas
Aralin 1 – Kahalagahan ng Paglinang ng Kasanayan sa Mabisang Pananalita


Ang mabisang pagbigkas
Mga Pangangailangan sa Mabisang Pagsasalita
Mga Kasangkapan sa Pagsasalita

11
Aralin 2 – Ang Tagapagsalita at ang Hamon sa Pampublikong Pagbigkas
Ang isang Epektibong Tagapagsalita
Ang Takot sa Pagsasalita sa Harap ng Madla

12
Aralin 3 – Pagbigkas sa iba’t ibang pagkakataon
Masining na Pagbigkas ng Tula
Ang Talumpati
Ang Pagtatalo o Debate

13
PRE-FINALS EXAMINATION
14
IV – Malikhaing Pagsulat
Aralin 1 – Ang Masining na pagsulat


Ang kahulugan at Kalikasan ng Malikhaing pagsulat
Mga Maaring paghanguan ng Paksa ng isang sulatin
Ang isang manunulat
Estilo ng Pagsulat

15
Aralin 2 – Aktwal na Pagsulat
Ang Makatawag pansing Pamagat
Ang Pagbuo ng Panimula
Ang Pagbuo ng Gitnang Bahagi ng Sulatin
Ang pagbuo ng Wakas

16
Aralin 3 – Ang Pagsulat ng iba’t ibang akdang pampanitikan

Aralin 4 – Ang Panunuring Pampanitikan
Pagsulat ng Sanaysay
Pagsulat ng Talambuhay
Pagsulat ng Maikling Kwento
Mga Teoryang Pampanitikan
Balangkas sa Pagsusuri


Pagsulat ng isang Dagli

Pagsulat ng isang panunuring pampanitikan
17
Aralin 5 – Worksyap sa Pagsulat


18
PINAL SA PAGSUSULIT



Metodolohiya
  • Malayang Talakayan
  • Pag-uulat
  • Pangkalahatang gawain
  • Debate
  • Pagsulat ng mga akademikong sulatin
  • Masining na Pagbigkas (Pampublikong Pagbigkas)
  • Pagbasa ng mga aklat na may kinalaman sa asignatura

Mga Kahingian
  • Pagiging aktibo sa mga gawain at kasanayan sa loob ng klase (resitasyon at pag-uulat)
  • Mga sulatin/akademikong papel
  • Mga mahaba at maikling pagsusulit

Sistema ng Pagmamarka
Maikling Pagsusulit                                     10%
Resitasyon                                                  20%
Pagdalo                                                             5%
Natatanging Aktibidad/Kalahok                  15%
Prelim/Midterm/ Prefinals/Finals                  40%
Kabuuan                                                   100%

Sanggunian
Arrogante, Jose A. Retorika sa Mabisang Pagpapahayag (Binagong Edisyon).  
            National Book Store. Mandaluyong City. 2003.

Bernales, Rolando A. et.al. Mabisang Retorika sa Wikang Filipino (Batayan at
            Sanayang Aklat sa Filipino 3, Antas Tersyaryo). Mutya Publishing House.
            Valenzuela City. 2002.

            San Juan, Gloria P. et.al. Masining na Pagpapahayag: Retorika (Pangkolehiyo).            
                        Grandbooks Publishing Inc..2007.

Tuntunin
  • Hindi magbibigay ng espesyal na pagsusulit ang guro sa mga mag-aaral na liban sa araw ng pagsusulit, maliban na lamang kung ang mag-aaral ay may balido at katanggap-tanggap na rason.
  • Kinakailangan ng mga mag-aaral na gumawa at magsumite ng mga akademikong papel at sulating papel sa takdang araw na napagkasunduan ng klase.
  • Ang anumang akademiko o sulating papel na hindi naisumite sa takdang araw ay may kaukulang bawas na marka.
  • Responsibilidad ng mga mag-aaral na alamin ang paksang tinalakay sa mga araw na siya ay liban upang makahabol sa talakayan sa klase.
  • Malaya ang guro na gumamit ng iba’t ibang teksto at kontekstong gagamitin sa pag-aaral.
  • Ang iba pang tuntunin ay pag-uusapan sa loob ng klase.


2 comments:

  1. Why can I not view the entire syllabus. why only half of the pages are displayed which hinders me to evaluate should I do.

    ReplyDelete
  2. asking permission po to use the syllabus in our class as reference.

    ReplyDelete